ekada 80, di ko yata mabilang kung ilang supot na ng pandesal ang paro’t parito kung umaga sa pundahan at bakery ni Kakang Mundo Manalo. Di ko pa abot ang mas mataas na barandilya ay pinipilit ko na lamang noon na lakasan ang boses upang marinig ng ilang tindera na sa alala koy salitan ang kaniyang mga anak, manugang at apo. Kapagdaka ay lingunan lahat ang bumibili habang tutungong nangingiti akong papansinin sa pagsigaw ko ng… “Pabiling Pandesal Php 5.00 tsaka 1/4 na mantikilya” at minsan ay may pahabol pang “Tustado daw po!!”. Minsan ay hubo at amusin, suot ang tsinelas pag hindi “kabil-an” ay nuknukan ng laki na halos pumaltik lahat ang putik sa batok ko kaka lakad.
Ilan pang mga taon ay subaybay ko ang pagliit ng pandesal sa pagmahal ng bilihin. Meron linggong araw na ako’y huling bibili ng pandesal at di ko na kailangang tumingkayad at sumigaw , sapagkat ako lamang ang mamimili. Natutuwa ako pag linggo minsan ay bukas ang pinto nilang panloob tanaw ang living room at kusina nilang ang daming paskil na pinta ilang dibuho na kamangha mangha tila litrato na sa detalye. Ilang naalala ko ay Mayon Volcano, Ilang kalalakihang nagsasaka, at babaeng may pasan pasang tila bilaong puro prutas at gulay. Nagkamalay na akong bata ay embalido na si Mang Mundo, naroong minsang uungol pag tinatawag si Inang Lucia na kanyang maybahay na ubod ng bait sa aming pamilya pero ilan ay nasusungitan nya. Galit siya sa mga batang maingay na minsan ay naglalaro ng “pase” , “lise” at “tatsing” sa harap ng pundahan tuwing walang pasok.

Pag-uwi koy naitanong ko tuloy sa aking ina ang tungkol sa matandang Mang Mundo. Pintor daw siya noon, nagupo lang maari ng kahirapan ng nagdaang panahon kaya di napagpatuloy ang kamangha manghang kakayahan. Fine Arts daw ang kurso kung gusto kong maging ganon. Di ko mapagkakaila na nagkahilig ako sa drawing dahil sa mga dibuho nya. Minsan ay wariy hulog ng swerte ay nakapasok ako sa balkonahe nilang habang nanonood ng “Kaluskos Musmos“, Oo parang Going Bulilit ngayon. Kahit na hilig ko ang palabas sa TV na black ang white ay sa paintings ako nakatingin. Marami pala, hindi lang ang aking natatanaw mula sa tindahan. Hayun hangang sa “masahan” ng tinapay ay meron. Medyo may kalayuan ang masahan mula sa aking kinauupuan di ko mawari ang mga dibuho.
Nang sumunod na araw ay nakatanghod ako sa masahan malapit sa rolling pin na de motor. Nakadukhaw sa rehas na pinto tanaw ko ang paggawa ng mamon at ensaymada kakatwa kay liliit malayo sa laki ng kinakain ko sa tuwing recess na mamon. Tubong lugaw pala ang panaderya ikako. Hindi na kailangan ni Mang Mundo magpinta. Di ko na maalala ang mga dibuho nakasabit na agiwin na sa mga “banhay” ng bubungan ng masahang yaon. Kapag daka ay babalik ako sa aming bahay at mistulang iniisip paano magpinta, naroong kupitin ko ang “water color” ng aking kapatid. Lumaon pa’y tila nakita ko na kung saan nagmula ang ilang hilig at galing sa “arts” ng kanyang mga apo, mana mana pala iyon. Sina Eloisa, Emelda at Ilang pang di ko maalalang mga kaanak nya na laging naka “exhibit” sa school ang mga dibuho.
Ngayon, pag ginagamit ko ang “Adobe Photoshop”, “Illustrator”, at Corel Draw, wala akong maalalang araw na di nasagi sakin ang pagkamulat ko sa art na tulad nito. Maari kung naabutan ni Mang Mundo ay malamang mag excel din dito. Panahon ay lumipas, ang ilan ay naiwan sa isip ko, minsan sa pagtanda ay kasama ng makakalimutin, buti may “blogging” sa gayon ay di ko malibanan ang pagkasagi sa isip ko ni Mang Mundo ay isikhay agad sa “draft” ko at kung may mabubuong libreng araw ay malimbag ko sa “blog” na ito.


fter their escaped from the Japanese sentry in Tagkawayan Quezon, in summer of 1944, the whole family stayed in a small house about 3 kilometers (1.8 miles) from the town of Guinayangan, in a watershed place called 












