Kung si José Rizal ay na-exile noon sa ating Bayan

Sa darating na Linggo June 19  ay ang kanyang ika 150 kaarawan. Higit pa sa latay ng sinturon tuwing ang isang bata ay napapalo, kahusayan minsan ang kapalit nito sa nakakaunawa.  Tulad na rin ng nakagisnan kong mga kuwento tungkol sa kanyang detalyadong buhay sa Rizal’s course sa kolehiyo. Lalatay sayo ang kahihiyan na malayo siya kumpara sa sino mang tulad mong nabubuhay ngayon sa ipinakita nyang sakripisyo at pagmamahal sa bayan. Kahit kay ninipis ng libro o “textbook”na binibenta sa bookstore sa Rizaliana, yon naman ang kinapal na napulot ko dito. Sa halos di mabilang na linguwahe niyang alam na may humigit kumulang na 22, hindi nga siya pangkaraniwan. Sabi nga ni Ferdinand Blumentritt yon daw ang “approximate” na dami ng babae ni Rizal. Minsan di mo na kailangang sabihin na henyo siya, kaya nya lang nagagawa lahat ang ibat ibang discipline in arts, engineering and sciences. Iyon ay ang pagpapahalaga nya sa pagkakaroon ng kaalaman at pag-asa nyang maipakita na ang kamangmangan natin ang nagdudulot sa atin ng di natin kasarinlan noon. Hindi mo rin idadahilan na angat sa buhay ang pamilya nya kaya malaya syang mag “explore” ng ibat ibang kagustuhan, – hindi! Dahil sa dami ng taong mayaman ngayon na parehas din ang dugong nananalaytay kay Rizal, wala pang humigit sa nagawa niya. Gayong mas madaling ganapin ang bagay sa “technology” ngayon. Bayani siya walang duda.

Sa dami kung naisulat ay tila nahiya rin akong di siya bigyan ng pansin sa araw ng kanyang kaarawan. Nagmunimuni kami ng isa kung kaibigang “blogger” at natanong namin “What if noon si Rizal ay may facebook  na- Baka over na sa quota and friends nya, What if si Rizal ay may twitter na, baka mahigitan nya si Asthon Kutcher sa followers. At higit sa lahat baka minu-minuto siyang nag blo-blog sa 22 translated languages, “without using Babelfish or any Web translator to express words”. Napailing na lang kami. Tungaw lang tayo kako sa kaalaman nya, kahanga hanga.

Nabalik tanaw ko tuloy kuwento ng exile nya sa Dapitan na, “Ano kaya kung sa Guinayangan siya napadpad?”.Katulad ng Dapitan, ang bayan ng Guinayangan ay di pa masyadong progresibo. Tila bangungot sa isang tao ang itapon ka na lang sa ilang na lugar sa haba ng 4 na taon. Mala Iwahig na buhay ang kahalintulad ng Dapitan ang gustong iparanas ng mga Kastila kay Rizal noon. Sa tulad nyang henyo, hindi sagabal ang ilang na lugar para lumabas ang kanyang natatanging kaalaman. Ano kaya kong ang mga Kastila ay pinili nyang sa Guinayangan siya Itapon. Nakabuo tuloy ako ng posibleng mga nangyari sa itatagal nya rito.

Sa pagbaba palang nya ng karwahe ay  matatanawan nya ang yaman ng lupa dito.

Sa magkabilang kalsada ng daan patungo sa atin ay pilapil ng palayan, at ilang palaisdaan. Sa pagibig nya sa agham maaring nakapag-tatag na siya rito nag ilang pagaaral ukol sa pagpapalaganap ng “aquaculture”. Noon sa exile nya sa Dapitan minarapat nyang manirahan sa tabing dagat at nagtayo siya ng mga kubo kaysa tanggapin ang alok na may kapalit mula sa amga Heswita na sa halip lumagi siya sa kumbento ng Parokya ng Dapitan. Huwag lang lunukin ang alok ni Padre Superior Pablo Pastells na  paratang sa kanya sa maling pagkakilala sa kanyang pagkakristiyano. Malapit siya sa tanawing tubig, marahil saan man siya sa baybayin ng Guinayangan ay matatanaw nya ang Manlayo.

Seawall sa Manlayo

Sa dami nyang narating na bansa tulad ng France at Belgium na kilala sa istrakturang tinatayo sa tubig maaring nagawa nya ng paraan ang unti uting pagkaubos ng lupang baybaying dagat. Sa gabi maariy kaigaigayang tanawin na mga ilaw ng mga palaot na banka na magdudulot sa kanya ng kagustuhang makaulayaw ang mga magdaragat sa baybayin. Sa gayon mapagukulan nya ng pag-aaral ang tamang pangingisda sa di mas mapanganib na paraan sa tao at sa lamang dagat. Naisip ko ito sa lalo kung paghanga sa pagkamapagkawanggawa ni Rizal. Noong Sept. 21, 1892 may isang bankang kartero hatid ang isang Lottery ticket  na my numero 9736 na tatlo silang hati-hating tumaya. Sina Capt. Carnicero, Dr. Jose Rizal at Francisco Equillior(uso na pala noon ang “bakás”) ay nanalo ng second prize na nagkakahalaga ng P20,000 . Sa kanyang “bakás” ay marami siyang natulungan ilang halaga nito ay sa kaibigan at kamaganak, at ang ibay sa pagbili ng lupang sakahin. Ang isang “Aquedact” sa Dapitan ay kanyang ipinagawa at pag-enhinyero nito sa proyekto na mula ang halaga sa pangagagamot niya bilang espesyalista sa mata. Sa taong pangkaraniwan maaari ay mahumaling sa pag-inum ng alak ang ilan sa laki ng halagang napanalaunan. Pero si Rizal ay pinili nya ang tumulong, tunay nga siya isang “Mason”.

Pagamutan at Kawanggawa

Sa galing nyang manggagamot ay bantog siya sa ibat ibang panig ng Pilipinas may ilang mayayamang mula sa HongKong na nagpapabuya ng may kalakihang halaga sa serbisyo nya. Kakatwang naging “medical tourist” ang ilang banyaga sa Dapitan(meron na rin pala noon). Sa pagiging mayaman ng Dapitan sa mga medicinal plant, na sa kagustuhan na rin nyang makatulong sa ilang mahihirap na nagpapagamot ito ang kanyang ipinapasyang itagubiling inumin. Natutuwa ako sa transisyon ng namumuno sa bayan kung mahal, Na sa ngayon ay tulad din ni Rizal na manggagamot si Dr. Angel Ardiente Jr. ay aktibong nagbibigay ng libreng serbisyong medikal. Sana’y lumawig pa ang mga ganitong mga kawang gawa.

Kaalamang Libre

Tinatanong ko minsan kung ang mga tao ngayon ay totoo ang ibig sabihin pag sila ay nagsabi ng salitang “busy”. Sapagkat si Rizal sa dami ng activities ay nakuha pa niyang magturo sa ilang residente doon ng libre sa Agham at Matematika. Naisip ko tuloy ang mga ilang kababata ko sa Manlayo na hindi pinalad makapagaral. Na kung may taong tulad ni Rizal sa panahon ko ay napadpad, kasama ko na rin malamang sila sa pagiisip ng mga bagay na tulad nito.

Ang Dapitan bagamat Ilang na lugar ay hindi handlang upang guminhawa sa tugon ni Rizal sa pakikipagtulungan sa lokal nya. Maging ang simbahan doon ay katulong nya sa kabila ng bigo nilang pagyakap sa Kakristyanuhan ni Rizal. Sa ngayon ang Dapitan ay progresibong bayan na dahil na rin siguro sa “influence” ng ngalan ni Rizal, sa kabila ng madilim na alala ng isang panahon sa buhay niya. Di mabilang ang kanyang nagawa sa loob ng apat na taon na inilagi sa lugar, na sa tingin at isip ng Kastila ay  isang parusa.

Hayagang ipinakikita ng kuwento ng buhay ni Rizal na kung may kagustuhan kang tumulong, hindi balakid ang anumang bagay, lugar o estado sa buhay. Si Rizal kadugo, kalahi, Filipino , tuloy, naitanong ko bakit nagawa nya pero hindi natin kaya. Bigo malamang si Rizal na pukawin ang isip mo, natin o talaga lamang mahilig tayong tumingala sa tulad nya. Tingin ko mahilig tayong tumingala, Tumingala na lang sa kawalan.

Leave a Comment

Filed under Blogs

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s