a Kanto Villa Purita, Una, Ewan ko kung bakit tinawag na Villa Purita. Kahit ang kalsadang “New Road” ay laging “new” pa rin ang tawag kahit magsisingkwenta taon na yatang ginawa yon. Musmos pa akong bata ay Villa Purita St. na ito. Pero sa hinuha koy wala akong nagisnang sign post kahit man lang sa kalagayang wasak na. Nitong mga huling araw ay hindi ako masyadong magkamayaw sa dami ng gawain. Marami ko ring dapat na isulat sa wikang Ingles, pinasya kong mamahinga muna.Sa palagiang kung pakikinig sa FM radio ay napukaw minsan ako sa konteksto ng kanta ni Noel Cabangon na kasama nyang kinanta ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar. “Dito sa Kanto”(click to play in Youtube) kahit di eksanto ang tema ng linya ay nasagi na rin sa isip ko ang kanto natin. Mas maganda na patugtugin mo siya sa kabilang “Tab” ng browser mo, habang binabasa mo ito para may “background” ka.
Di lang siguro ako ang nakakaalala sa kantong ito. Kung pagtutuunan ko ito ng 2 oras para isulat kahit maikli ay para na rin sa madalang ng umuwi at maaring nakalimut na.
Kung mayroon mang puno o estrakturang nakatayo pa pamula noon at makakapag kwento sa lahat ng mga nangyari sa kanto, kukulangin ang reserbado kung “storage spaces” sa WordPress blog na ito. Sa halip ay tapunan ko na lang siya ng samot sari kung alaala sa dulong kalyeng ito. Sabi ng ilang matatanda ang ilan dito sa kanto ay naging, bahay na pula “the infamous” Bamboo Inn. Naging bilyaran, Beauty Parlor, talyer, nabakante at huling alaala koy bagsakan ng lukad, bago ako umalis pa Maynila.
Kapag wala kaming eskwela, dito na ang nagisnan kong tambayan sa kakaprasong upuan na kalimitan ay basa ang ilang bahagi sa nagdaang araw na maulan. Kumpulan kaming iilan pero sa ingay ay makabinging halakhakan minsan pag-nagkatuwaang tuksuhin ang mangilan ngilang nagdaraan. Mas malakas ang tawa noon kapag si Jimmy “Aso”, si “Kawali” si “Hugo”(Adelyang Pula) at si Mely na “kulang kulang” ang mga kaawa-awang nagawi dito. Nungka na sasabihin mong bagamundo ang mga kalalakihang mapanukso noon. Marami rin ang tumambay dito na pinalad at pawang sa ibang bansa na naninirahan. Pero di ko man kinakaila meron pa ring naiwan.
Naging “gateway” ito ng paalis at padating na malimit namin ay kakilala. Mangilan ngilan ay may bitbit na pasalubong. Ilan naman ay tila hiya na malaman silang dumating, para bagang may tinataguan at nahihiyang malaman ng tao na bumalik siya.
Sa panahon ng kasiglahan ng pangingisda ay “eyewitness” din ito sa daming biyahe ng ilado na parot parito sa Malabon, Navotas at ilang karatig bayan. Kay tatag na kalsada siya namang inuyam ng laro ng tadhana na wala ng maraming biyahe ng isda. Ilan taon lang lumipas ng elementary pa ako at naging sementado na ang kalsada papasok dito. Ganon din ang new road(pero rough road) ay naging sementado na rin.
Maraming rin bukang-liwayway ang nilagi ko dito, sa tuwing hatid tanaw namin ang aming ina sa pagtitiyangge ng isda sa karatig bayang Lopez. Kung may mga mata ang Kanto Villa Purita ay namangha rin naman siya sa progreso ng Transportation mula sa panahon ng Nora and Benny Buses, Ai Ai at Superlines na dumaan sa harap niya. Ngayon ay may dalawang malaking companya na ang AB Liner at Barney na baka malito na siya sa dami ng mga bus sa atin.
Kay rami ring hatidan sa madaling araw ng mga ilang magulang na nagpapaaral sa Maynila, puno ng pangarap na babalik minsan ang anak rin nilang matagumpay. Kasama sa buhay na ang ilan ay pinalad ilan naman ay tila napaglaruan ng biro ng tadhana. Kasama rin siguro ang Villa Purita sa ilang luha at kaway ng mga magulang hatid tanaw ang punong-punong pangarap na anak.
Ilang krimen din ang nangyare at patayan ang maaring maikwento ni Villa Purita. Sa isang madaling araw na napatay si Kuya Ato Bustamante at ang kainuman nyang si “Dako” na welder. Maaring dumaan ang mga salarin sa kanto na ito. Bakas na lang ng mga hinayang ang maari nyang naibulalas sa tuwina. Wala siyang buhay na lugar para magpahayag. Ilan ding libing ng ilang maagang pumanaw ang nasaksihan nyang ihatid. May hikbi at tangis din, hindi lang natin nadarama siguro.
Ilang pag-alis at mabilisang pagbalik ko rin ang na na-witness nya. May ilang alis at balik ko rin akong abot tenga ang ngiti. Meron din namang uwing may hikbi tila ayaw pakita sa kanya na may dalang saloobin. Salamat Noel Cabangon at Chito Miranda kahit paanoy nasagi ko sa isip at isulat siya. Pumikit ka sandali alalahanin mo siya, di mo alam may bilin siya sayo. Isa rin siya sa “Tanglaw ng Manlayo“, siguro nais niya sabihin sayo -”Ingat pag-alis mo, balik ka ha?”













sa pagkakaalam ko ang lugar na ito ay sakop ng malawak na lupain ni dona purita isaac marahil ay may nakatayong istruktura dito na pag-aari ng mga Isaac.kung matatandaan mo ay may dating gasoline station dito na ang tanda ko ay Shell.tama ka maraming pangarap ang nabuo sa lugar na ito ang iba ay pinalad at meron ding hangang ngayon ay pilit na tinutupad.ang lugar na ito ay sakop ng calimpac pero kakatuwa kc hangang sa ngayon ay manlayo ito kung ituring.tunay ngang ang Manlayo ang pinakabantog sa buong guinayangan sa kahit anong larangan mo itanong.salamat sa may akda ng site na ito ganon din sa makabagong teknolohiya ang makasaysayang Manlayo ay di malilimot ng mga susunod pang lahi mawala man ang mga tunay na nakakabatid ng kagandahan ng Manlayo ay pwede naman ito mapreserved.More power to you my dear may God bless you more wisdom!!!!
ala ala ng kamusmusan ko yan
ang kanto ng villa purita bagama’t nasaskop nga ito ng calimpak ay malaki ang naging parte sa buhay ng manlayuhin.. ang kanto ng villa purita ay maiihalintulad na rin na bus at jeepney stop hindi hihigit sa 30 metro ang layo ng bahay nmin sa kanto kya kadalasan pag sakay aq ng bus sa aking pag para ay palagi akong lampas.. isa na naman makatotohanang kwento ng buhay gawa ng isang henyo.. keep it up sir..
Villa Purita was also known as “Bamboo Inn” during my younger years. My classmate Myrna Orendain used to live there during my elementary days in MES. I had not seen her after finishing elementary grade and so my other Manlayohin classmates (Gonzales, Lopez, Cayasa, Cerojales, Dical, Estranero, Jimenez, Prudente, Legaspi, etc…) since then. I missed Aling “Anang” tinolang manok so was Aling “Terry” apritada. I also missed hot “pandekuko” from Mang Mundo Bakery.
What a good old days to reminisce…
@Juanito, “Bamboo Inn/Sariling Atin” belongs to my unfinished writing in “Lost Places and once abutted Manlayo” , Im still sourcing out info from people who actually experienced the tiny red light district
we had once. As for “Tinola” wow!, In retrospect to Villa Purita, my main reason is set as inkling to my longing to know something about “Bamboo Inn”, hoping that someone could relate and attest to some info that I want to know. If its okay Im I email you some queries?. Back to Tinola, you are not the only one missed the magical soup of “Aling Anang” yours truly were usually ques every noon back then(as a family assigned for errands
). For 5 to 10 pesos, that native chicken ingredients she had, were always our Sunday lunch. Oh, I hope you had tried her “Ginataang Manok” with “luyang dilaw”.
My oh my! that was something.! . I have also some writing about Mang Mundo Manalo in my draft. title of “Mang Mundo Manalo, Pintor” – You know that he was an artist before?
I never knew that Mang Mundo was a painter but as I recall, there were a lot of artistic works framed hanging around in Mang Mundo’s place that time. He is a painter too, perhaps.
The superb taste of the bread he made is somewhat different from the rest, and of course, what makes worth to visit Mang Mundo’s bakery is not just just the delicious bread but the chance to have a glimpse on his simple yet attractive granddaughter that inspired me a lot he he he.
By the way, it seem you overlook another noted individual and his name is “Okaw”.
Oppssss…
…since I’ve already mentioned some of my classmates, I have to mention others too… Odelon Estenzo’s, Melinda Bustamante, Pedro Plazo, Wilma Aguado, Noel Lat, Melinda Magtaca, Melanie Bustamante, Melinda Flavier, Ervita Baluyot, Manuel Beligon, Manuel Goblin, Lauro Palmaria, Daniel Isidoro, Belinda Lucero, Eden Clave, Janet Jorvina, Ronald Senson, Reynaldo Beligon, Denden Robles, the twin Ariel & Orlando Beligon, Hernando Vera, Belinda Buenaflor…and some others later.
By mentioning these “now getting old” individuals, someone is getting intrigue by now, I guess he he he.
Nevertheless, my regards to them.
Anyway, you can email me if you wish.
Regards.
~ Hanging Banayad
Ang alam ko talagang mahiwaga ang istorya ng villa putrita???
Hey guys,if you can please post a sketch of location of Villa Purita so that i can clearly locate it in my memory because as far that I can remember is that i was also a suki of that Ginataang manok na may luyang dilaw of Aling Ana.I’ll just want to remember as it is so that I can tell the story of our beloved place right.
Thanks a lot guys.
ang Villa Purita ay kinuha sa pangalan ng isang taga pagmana ng pamilya Isaac, malawak ang nasasakupan ng kanilang lupain, merong isang malaking lumang bahay sa kanto sa bandang kaliwa facing the entrance of Manlayo and on right hand side was the residence of Caparros Family.
Hi Juanito Calma, just read your comment and thank you for remembering our elementary classmates. Amazing memories you have. This is Jannet Jorvina, do you still remember our teachers. mam Manalo, Endaya, Lomarquez, Alegria, Porto, Lorbes, and Sir Castillo. Classmates I met during my last visit on 2011 were Annie Antonio, Eying Cayasa, Melinda Villaflor, and Gina Lorbes.