About

nell-small

N.Cenizal

Cornelio Cenizal/ Creator and Editor in Chief

Ang Tanglaw ng Manlayo ay official BLOG ng Barangay Manlayo, Guinayangan Quezon. Adhikain ng Punong Barangay na si Kap. Adora P. Arieta na makatulong at makapagbigay impormasyon sa kanyang mamamayan at mga taong nagmamahal sa Baryong ating pinagmulan.

Hangarin po naming mapunan ito ng nilalaman maging maliit o malaki mang partisipasyon. Ang pagiging bago ng kanyang pagkakabuo ay dahilan na rin ng hindi pa mga current na impormasyong makikita. Subalit hinihimok po namin ang mabubuting loob niyang mamamayan na magsuhestiyon sa abot nilang makakaya. Inaanyayahan po rin namin na kayo ay magkaloob na inyong mga natatanging karanasan na maiisa-blog natin at maipadama sa ating mga kababayan ang ating mga nasasapuso.

Ang mga nilalaman at ilalaman ay maaring sa linguwahe ng Ingles o Pilipino sa ikabubuti ng lahat. Naway mabuksan ang ating mga kakayahan upang maisakatuparan ang ating prisensiya sa Internet. Dito ay mabuksan nawa ang pagkakataon na makahimok tayo ng taong may malasakit at saloobing mapaunlad ang ating mumunting Barangay.

tanglaw-icon-profile

Ang larawang ito ang sasagisag na “icon” sa kanyang pagiging “Tanglaw”

Larawan ito ng ating Parola , contribution ng Guinayangan Facebook at aking likhang inayos para maging simbolo ng “Tanglaw ng Manlayo. Isa sa layunin ng Blog na ito ay maging gabay mapasa-anumang paraan itoy nababagay.

Sa Kabilang Umboy

Ito ay aking nilikhang  news column sa blog na ito. Ito ay sumasagisag ng bagay na ating saloobin sa hinaharap. Kinalakihan na nating expression na ang kahulugan ay sa kabilang pampang ng lalao o sa kabilang bloke ng nayon. Inilarawan ko ito bilang adhikain na mabigyan ng pagpapahalaga ang natatangi nating kinalakihang nayon. Abangan nyo po ang pagkakaroon ko ng pagkakataon na mailathala ang aking mga saloobin na kayo mismo ay makakapag comment para na rin maging kuro kuro liban sa talagang pages na tinalaga sa kanya ang “Forum”

Bandilyo

Bandilyo ay natatanging pagpapahayag ng Memorandum o anumang anunsiyong mahalaga, mga nakaraan man at mga susunod. Bandilyo ay sa wikang Ingles na “Town Crier” . Hangarin nito na maghatid nag information na official sa barangay Manlayo. Tulad na rin ng naging kaugalian ng Guinayangan ang paghahatid ng mahalagang information sa tradisyong akma sa nakagawiang panahon.

Official Na Logo

Dalawang variations ng logo ang pwedeng gamitin. Isang kulay bughaw at isang kulay “gray” na mas maliit. Ito ay makikita sa kabuuan ng Blog na ito, kalimitan sa footnotes at copyright notice.

Ulat Panahon

Ang weather report dito ay ay isang “RSS” Feed mula sa Internet sa site na ”typhoon2000.ph” . Isa itong free site RSS feed para magbigay babala sa ating mga kababayan na higit sa lahat ang mga mangingisda. Subalit ito ay maging opinyon lamang at kailangan masustain pa ng ibang opisyal na anunsiyo mula sa PAGASA. Naway magsilbi itong gabay at makatulong sa oras na kinakailangan.

Ang Manlayo sa Wikipedia

Ang ating barangay ay matatagpuan na sa kilalang encyclopedia sa Internet at freely itong maeedit upang magcontribute sa link na Manlayo Wikipedia

Muli, Welcome at maraming salamat sa pag dalaw.

Copyright Information

Creative Commons License
Ang Tanglaw ng Manlayo by Nell Cenizal is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License.
Based on a work at angmanlayo.wordpress.com.
Permissions beyond the scope of this license may be available at angmanlayo.wordpress.com.

6 Responses to About

  1. rannielopez

    … thanks for the effort and time you have put in to make it accessible to all manlayuhin….. more pictures and event pa sana ang madagdag.. salamat sa tanglaw ng manlayo im glad naipost mo ang mga simlpeng picture na nakunan ko…. sir cornie 2 tumbs up para sayo……..

  2. - another work of genius
    - very nice
    - good job
    - sure to follow your works

    —————-@V@—————-
    mylene sta. olaya concepcion
    visit me here:

    Ascertain Bliss
    http://ifoundparadise.blogspot.com

    My 3rd 7 & 7th Sense
    http;//my3rdand7thsense.blogspot.com

    Monik Moments
    http://mylenemonik.multiply.com

  3. ncenizal

    “Ang tanglaw” welcomes everybody specially you. add ko sa links ko ang mga blog mo”

  4. good job, Nell. regards to Kapitana Adora…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s