Eufemia ni Mang Apiong
— poem by Nell Cenizal
O Apiong, Mang Apiong– Natagpuan ko na,
Cesar O Cesar Pakisabi mo sayong Tatay,
Nakita ko na ang Eufemia, nakita ko na siya.
Kay bata ko pa’t kay tagal di ko man inabutan,
Kuwento mo sa hayumahan ako ay natigalgal,
Letra ma’y di ko maapuhap, pakisabi na lang.
Heto ang musika mong malimit ibida.
Tastas dito tastas doon, titigil sa paghayuma,
Itong mga Sinipetero, hagalpakan nang tawa.
Kay tagal na di naalis palaisipang inilagay sa isip,
Meron ng youtube kung gusto mo pong isipi,
Alaala ng malaong Eufemia sa iyo sana’y sumagi.
Hindi mo man maalala si Ricardo Montalban,
Sana’y maalala, gunita ng hapon mong kay init,
May isang bata na malabis mong napag-isip.
Dagarag mong entablado sayong pagkukuwento,
Tataib na sa pananghali akoy aakyat sa batangan,
Pakikinggan kita, hangang humibas sa pampang.
—<<<0>>>—
Sa Kabilang Umboy Vol. 1 . October 2009
Tanglaw Ng Manlayo – Poetic Theme
by: Nell Cenizal












